Wednesday, July 20, 2005

Buhay Saudi - inet

Image hosted by Photobucket.com

Pag-dating ng eroplano sa saudi sabi nung piloto 35 degrees daw sa labas. Nagtaka ako, eh alam ko 730pm na. Sumilip ako sa bintana, madilim naman na. Haay, welcome to saudi, ganun lang pala talaga ang init dito :p.

Hindi mukhang ganun kainit sa picture pero kung papansinin nyo walang tao sa labas. Parusa maglakad nang kahit 5 minuto pag tanghali hanggang hapon. Parang may nakatapat sa yong turbo broiler. Nasa 45-50 ang average temperature ngayon sa labas at minsan umabot pa rin daw ng 55. Kaya kahit patawid lang sa kabila ng kalsada papunta sa kainan nagtataxi kami. Para kang niluluto. Pero iba ang humidity kaya kahit mas mainit dito, di ka papawisan masyado (which means mas masarap ang pagkaluto sayo kung sakali, tender ang juicy sa loob :p).

Saturday, July 16, 2005

welcome to tabaco, albay

Image hosted by Photobucket.com

kastilang-kastila ang dating ng pagkakaayos ng tabaco dahil nasa gitnang-gitna ng bayan ang simbahan (kita yung kampanilya sa litrato sa taas) na halos katabi lang ng munisipyo. hindi pa lumalayo ang mga malalaking gusali sa gilid ng highway.

Image hosted by Photobucket.com

ito na yata ang pinakatahimik na uri ng transportasyon sa pilipinas : ang traysikad o sikad-sikad (ang ibig sabihin ng sikad ay sipa). mga ganito halos ang bumubuo ng trapik (at pasimuno ng trapik) sa bayan ng tabaco. sa sobrang tahimik nila ay muntik na akong mabangga dahil hindi ko narinig (palibhasa sanay sa ugong ng traysikel at dyip).
Image hosted by Photobucket.com

siempre di pwedeng di mag-shopping kahit konti. nanay ito at tita ni cherry. bumili sila ng mga bag at banig na abaca. yung isang tito ni cherry binigyan din ako ng alphombrang yari sa abaca--kumportable sila sa paa. sikat ang tabaco dahil sa uri ng bakal na ginagawa dito. kaya nga ang ibang matatanda, 'tabak' ang tawag sa itak.
Image hosted by Photobucket.com

sa palengke ng tabaco. hindi ko alam kung bakit malungkot ang dating sa akin ng kuhang ito. siguro dahil mukhang walang tao. me mamang nagtatrabaho dun sa sala set na kawayan pero nakaupo siya at kupya lang ang nakikita sa kanya. medyo tinititigan na nya ako ng masama kaya umalis na ako kaagad.
Image hosted by Photobucket.com

parang ang bagal ng daloy ng buhay sa tabaco. o isang ilusyon lang ba yon ng taga-syudad tungkol sa mga probinsya?

Image hosted by Photobucket.com

Tuesday, June 21, 2005

mcdo - love ko talaga 'to :p

Nasa india ako nitong nakaraang dalawang linggo. Unang beses ko maka-alis ng pinas at unang beses din na napalayo sa mahal sa buhay ng ganun katagal. Kaya syempre mahirap nung unang mga araw. Lalu pa't hindi pa naman ganun karami ang trabaho (na sya sanang distraction sa lungkot). Padagdag pa syempre na di ko alam yung lugar. Konti lang kakilala ko. At iba lasa ng mga pagkain dito... pero nag-iba lahat nung makita ko sya!

Sinama ako nung mga ka-opisina kong indian sa pinakamalapit na mall sa opisina at dun ko sya unang nakita. Ay, the familiar yellow arches and the big weloming smile of ronald McDonald. Nanlaki na agad mga mata ko nung makita ko sya, bumilis tibok na puso ko at tumulo laway sa bibig ko (hehe joke lang, nilunok ko naman agad bago pa umapaw). Pero nahiya naman akong ipagpilitan sa mga kasama ko na dun kumain. Baka isipin pa nilang napaka-jologs ko naman. Mcdo lang na-excite na. Sa food court nila gusto kumain. Ok lang, may ibang araw pa naman.

Kaya buti na lang kinabukasan sabi nila sa canteen sila kumain at malamang daw ayaw ko duon (tama sila yoko mamaho sa indian food :p) kaya pumunta na lang ako sa mall mag-isa.

Medyo iba sistema ng pag-pila sa counter. Iisang pila lang, pasikot-sikot parang sa isang ride sa perya. May isang usher sa dulo ng pila na syang nagsa-sabi kung aling counter ang dapat puntahan. Maraming indianized food sa menu gaya ng Chicken McAloo burger o ng veggie burger o ng chicken maharaja mac. Syempre dun ako sa pamilyar... McChicken sandwich with large fries and large coke :D

Parehong-pareho ang lasa. Para akong timang na nakangiti habang kumakain ng fries :p. Parang naalala ko tuloy yung college days/nights kung saan bibili tyo ng sandamakmak na fries para lang di naman nakakahiya na tatambay tayo dun hanggang alas-dose.

Parehong-pareho din ang lasa ng McChicken at syempre ng coke. Kaya nung oras na yun unang nawala ang lungkot at pagka-homesick ko. Pakiramdam ko nasa katipunan lang ako :p Salamat sa imperyalistang kano at ng globalisasyon :p



Yun ang isa sa mga high points sa stay ko sa india... ano ba masasabi ko, i'm not a hard person to please :D

Wednesday, May 25, 2005

the kingdom of saudi arabia - hmm

hey, guess what... i'm going to the kingdom of saudi arabia. ya ya, i know... "ano?! saudi? bhaket!" i'm actually excited and scared at the same time. excited because i'll be going abroad and i'll be earning a lot more than i am now. but scared because of the stories i hear.

mga expectations:
1. mainit
2. madaming buhangin
3. walang alak
4. bawal tumingin sa babae (sa lagay na yan naka-abaya pa lahat ng mga babae ha)
5. kelangan mag-bigote para hindi ma-reyp (naku, san ako kukuha ng bigote :p)
6. walang sine
7. lahat censored (ultimo leeg at braso)
8. bawal ihi putol titi? :p

Thursday, April 28, 2005

survivor daguldol

Ngayon na lang medyo nawawala na nang konti sakit sa mga kalamnan ko. Umakyat uli kaming daguldol nung biyernes nung isang linggo... oo na, oo na, mababa lang yun at matagal na akong level 1 climber pa din :p. Pero ano bang magagawa ko... unang niyaya ako ng tito ko sa pulag mga tatlong taon na nakalipas. Pagkatapos namin mag-training nang 2 buwan (araw-araw jogging lang naman) eh na-ospital tito ko at nag backout. Nung isang taon naman nagyaya ang bunsong utol ko umakyat sa pulag kasama mga mountaineer nyang mga kaibigan. Pero bumagsak ang ungas sa school at isa-isa na ring nag back-out mga kasama nya. Ngayon taon kaya? May nag-yaya na nga eh... matuloy kaya. hmmm.

Anyway, daguldol nga pala ang kwento. Masaya naman ang akyat. Dala namin sasakyan ni she (sosyal na kami ngayon) at oo, wa wakas napasama ko umakyat si she sa bundok :) maraming simangot at half-splits pero generally masaya naman sya... syempre't kasama ako!

Image hosted by Photobucket.com

Di naman kami naligaw sa drive papunta dun. Maganda't detalyado po ang instructions na nakuha namin sa website ng laluz (katabing sosi resort). Heto ang ilan sa mga kwento-kwento:

1. kaingin
Nung unang punta ko sa daguldol wala pa akong nakitang kaingin. Nung pangalawa meron nang isa (mainit-init pa)... pero ngayon nakakalungkot pero mga 5 kaingin yata ang nadaanan ko. Tatlo sa trail at dalawa sa peak.

Image hosted by Photobucket.com

Itong isa pa na to dating campsite. Yung nag-iisang puno dun sa taas, dun pa kami nag tent nung huling akyat namin.

Image hosted by Photobucket.com

2. water source
Wala ring lumalabas na tubig dun sa original water source kaya napilitan ako (kasama ang alalay kong si macmac) na gamitin ang ranger skills ko para makahanap ng tubig. 5 minutes later nakita namin to:

Image hosted by Photobucket.com

Madumi ang tubig pero necessity is the mother of inventions kaya nakagawa kami ng sarili naming water filter. Wala nang ultraviolet at reverse osmosis pero pwede na sa pangangailangan (pang-halo lang naman sa alak na iinumin eh kaya yung natirang mikrobyo mamatay na rin sa alkohol):


Image hosted by Photobucket.com
 
Image hosted by Photobucket.com


Lahat ng kasama nag-contribute sa imbensyon... yung funnel kay joyce, yung t-shirt kay macmac, yung sponge kay she, yung straw kay nica, etc. Lahat may contribution maliban na lang kay champoy na kung di mo pa pinilit eh hindi tutulong mag filter. Alaskado sya nung gabing yun pero alaskado naman kami nung kinabukasang kukuha sana ulit ng tubig eh nakita nya tong tubo na to dun din sa puddle na pinagkunan namin :p hehe:

Image hosted by Photobucket.com

3. hamog
Mahamog din sobra sa peak (sa gulugod baboy kami nag-setup ng tent) at napakalakas ng hangin. Higit limang oras din kaming naglakad kaya mga alas-sais na kami dumating sa campsite. Nung bumaba na ang araw, bumaba na rin ang hamog. Anlamig. Pero di din kami nakatagal kasi nababasa na yung mga jacket at kung anong kumot ang ipinan-talukbong namin. Kaya mga alas-9 tulog na kami :p

Hanggang nung umaga mahamog... kakatuwa.


Image hosted by Photobucket.com
 
Image hosted by Photobucket.com


4. At ilan pang mga view



Image hosted by Photobucket.com
Image hosted by Photobucket.comImage hosted by Photobucket.com


And here's the rest of the pictures :) http://share.shutterfly.com/osi.jsp?i=EeKNGThu2bvtA

Wednesday, April 06, 2005

adventure pangasinan

I was browsing the net for some details for a trip to the hundred islands and chanced upon this really informative (eye opening even) site: http://www.travel.pangasinan.com

It turns out there's a lot more to pangasinan than the hundred islands and the manaoag church :p. Apparently pangasinan can be an adventurer's delight as well. There are unspoilt beaches, secluded islands, limestone caves and falls. Ay gulay, look at this: http://www.travel.pangasinan.com/natural%20wonder/wonder.htm

The adventurer in me yearns to experience these places. But where are my adventurer buddies? Ah busy at work and family, or most probably, as i am, dreaming to be out there.

angono petroglyphs

Nung una kong mabalitaan ang tungkol sa angono petroglyphs, akala ko talaga nasa loob ng kweba o kung hindi man sa isang medyo mataas na cliff. Kaya ang una kong reaction eh: "ah, yan na ba yun?".

Papasok ka muna sa isang napaka-kipot na tunnel (akala ko nga part na to ng petroglyph, eh. pero man-made lang pala to)
Image hosted by Photobucket.com

Tapos pag labas mo dun, ilang metro sa unahan, eto na:
Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com

Sabi dun sa isang article na nabasa ko: "...the engraved drawings are made without any reference to a baseline, suggesting that these were made during different points in time through a long period... the glyphs might have served many functions—recording important events, depicting sacred ceremonies, and emphasizing the importance of animals and hunting." Pero nalimutan nila isama vandalism :p

Image hosted by Photobucket.com