Sunday, October 24, 2004

sunset sa daguldol

unang dahilan kung ba't gusto ko mag-picture:

click mo!!

how can you not appreciate beauty like this. sa daguldol ito... sama sina perds, ate cherry, rey at guada. yan ang pinaka-madandang sunset na nakita ko sa buong buhay ko. yung bundok sa likod mt halcon sa mindoro.

i love sunsets and i want to remember.

Wednesday, October 06, 2004

Hellow!

Hi guys, astig pala tong blogger... pwede natin gawin yung sharing ng pictures na balak natin na walang kahirap-hirap.

Sa totoo lang, nung college pa talaga ako nagsimulang ma-interesado sa photography. Nainggit ako kina kuya bambi at perds nun dahil nakakuha sila ng elective sa photography. Kukuha nga din sana ako nun kung hindi lang dahil kay Dr. Vistro-Yu (dept head ng math nung 4th year tayo).

Ewan ko kung naaalala nyo yung kwento pero di ba nung first year eco-h ang course ko... tapos nag-shift ako sa math nung nakita kong di ko aabutin yung quota. Anyway, Psych 100 yung Nat-Sci na kinuha ko nun. Pero nung fourth year tayo saka lang sinabi na di pala credited yun sa math... kinailangan ko kumuha ulit ng nat-sci... in other words yung psych 100 na yun ang ipinalit sa 6-units sana na free elective. kainis.

Ito nga pala ang self-portrait ko :)

click mo!!