Wednesday, June 07, 2006

Tag-init na ulit

 

Tag-init na ulit dito sa riyadh. Nakakapaso na ulit maglakad sa labas. Buti na lang, may kakontrata na kaming driver na maghahatid-sundo sa amin mula office papuntang bahay at pabalik tuwing tanghalian.

Nag-iinit na rin ang usapa-usapan sa kontrata :) Patapos na kasi ang project. Operations na lang halos ang trabaho. Maraming tsismis na maraming matatanggal.

Ako, ewan ko lang kung ano gusto ko. Kung matatanggal ok lang, halos isang taon na rin ako dito, iba naman :P dami namang ibang oppurtunity. Kung maiiwan, okey lang rin naman. Kelangan ko pa rin makapag-ipon sa kasal namin ni she sa december.

Kung ano man, bahala na. Sabi nga nila: insha-allah. Posted by Picasa