Wednesday, June 07, 2006

Tag-init na ulit

 

Tag-init na ulit dito sa riyadh. Nakakapaso na ulit maglakad sa labas. Buti na lang, may kakontrata na kaming driver na maghahatid-sundo sa amin mula office papuntang bahay at pabalik tuwing tanghalian.

Nag-iinit na rin ang usapa-usapan sa kontrata :) Patapos na kasi ang project. Operations na lang halos ang trabaho. Maraming tsismis na maraming matatanggal.

Ako, ewan ko lang kung ano gusto ko. Kung matatanggal ok lang, halos isang taon na rin ako dito, iba naman :P dami namang ibang oppurtunity. Kung maiiwan, okey lang rin naman. Kelangan ko pa rin makapag-ipon sa kasal namin ni she sa december.

Kung ano man, bahala na. Sabi nga nila: insha-allah. Posted by Picasa

3 comments:

Robby Villabona said...

Hi, Corky,

Si Russell nasa Dubai. Umuwi siya dito ng isang linggo at nag-dinner kami. Sabi niya umaabot daw ng 55 degrees celsius... Susginoo! Dito 35 degrees lang nagwawala na ako.

Nice photos... makes me want to take up travel photography again. If only I had the time to travel :-)

corky said...

dito naman sa riyadh umaabot ng mga 45 lang. humid kasi sa atin kaya mas nagiging unbearable ang init. dito arid kaya parang may blow drier lang na nakatutok sa muka mo at hindi masyadong nakakapawis. sa atin paglabas mo pa lang ng CR pagkatapos maligo papawisan ka na.

ah, travel. isa din sa mga gusto kong 'perk' sa trabaho ko ngayon eh nakaka-punta ako sa ibang bansa. unfortunately sa riyadh ako unang na-assign kung saan hindi pwedeng kumuha ng picture basta-basta. buti na lang next week punta naman akong kenya. hehe. sana lang magkaroon ng time pumasyal-pasyal.

Robby Villabona said...

Kaya ang bagay na camera diyan yung may flip-out and swivel LCD screen... para hindi halatang kumukuha ng picture.

Hanapin mo yung movie ni Woody Allen na TAKE THE MONEY AND RUN. There's a scene there where he hides a camera in a loaf of bread to take pictures inside a bank he's intending to hold up. Ang problema, he was holding up the bread to his face to look at the viewfinder, and pressing on the bread to click :-)