Tuesday, March 29, 2005

island camp

Mukhang masaya din mag camping sa twin islands sa may nasugbu. Mga isa o dalawang kilometro din ang layo mula sa mainland... 30 minute boat ride at P1500 kada banka, mga 8-10 ang kasya. Pero presyong holy week yun kaya pwede pa sigurong baratin.

Kelangan lang natin malaman kung saan pwedeng pumasok para maka-arkila ng banka. Sa munting buhangin lang kasi ang alam ko at 130 per head ang entrance dun :p

Maliit lang yung island, siguro 500-600 sq.m., 15ft above sea level... intimate. Yung island sa kaliwa ang pwedeng pag-campingan:

Mga 2 minute hike papuntang campsite.
Image hosted by Photobucket.com

After 20 secs:
Image hosted by Photobucket.com

After 40 secs:
Image hosted by Photobucket.com

After 60 secs:
Image hosted by Photobucket.com

After 80 secs:
Image hosted by Photobucket.com

After 100 secs:
Image hosted by Photobucket.com

After 2 minutes peak na... kasama na picture taking dun ha :D
Image hosted by Photobucket.com

Ito pa ang ilan sa mga makikita:
Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com

Meron ding mga kweba-kweba sa baba na pwdeng pag tambayan kung mainit masyado sa 'peak'.

watchatink?

Monday, March 28, 2005

kung paano nabuo ang twin islands

Nasa munting buhangin kami nung huwebes-santo... at mula dun namangka papuntang "twin islands":

Image hosted by Photobucket.com

Maganda, masarap lumublob at tumambay pero dalawang bagay ang nakita ko na talagang nakapagpangiti sa akin, hehe:

Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com

unga idol at si she

Image hosted by Photobucket.com
eto, perds o... :p

Tuesday, March 22, 2005

ek! ek!

Akalain mo nga naman ba... nanalo kami ni she ng dalawang tickets papuntang enchanted :D Haha, nagbunga din ang paminsan-minsang pagsali sa mga kontest sa radyo.

Hetong ilan sa mga pictures: http://share.shutterfly.com/osi.jsp?i=EeKNGThu2bvWg

Medyo naluluma na nga ang enchanted. Pero meron na syang ilang bago:
1. 4D theater (additional P45) - essentially 3D movie na gumagalaw ang upuan at umiihip ng hangin at nangwi-wisik ng tubig.
2. wall climbing (additional P100) - mahal :p
4. go-cart (additional P200++) - sobrang mahal :p
5. At rio grande - ito lang ang bago na talagang nagustuhan ko... basa ka hanggang brip :p.

Ang sagwa na rin nung dating sosi restaurant nila sa loob... yung kalahati spaceship at kalahati jungle theme. Parang canteen na lang ngayon... yung canteen na pinag-iistop-overer-an ng mga bus.

Hindi na rin kasing-sa-saya yung mga attendants. Yung iba masungit pa. Basta mai-sakay ka sa simula at mapa-alis ka pagkatapos, yun na yun. Di gaya ng dati na serbisyong may ngiti.

Image hosted by Photobucket.com

Generally ok naman... nag-enjoy kami sa flying fiesta, rio grande at ferris wheel. Pero ang pinaka-exciting sa lahat eh yung nanalo kami ng ticket :p

Thursday, March 03, 2005

meet da lola

last week pinakilala ako ni she sa mga kamag-anak nila sa sampaloc. masaya sila lahat... in a fangs-y kind of way. meaning maingay at bastos :p at syempre di nagpatalo si lola:

invisible na daw ngayon:


pero nuon maaasahan ahahay :D


pero sa totoo lang bibo talaga silang lahat. hindi ako na out-of-place. masarap naman ang feeling.