Anyway, daguldol nga pala ang kwento. Masaya naman ang akyat. Dala namin sasakyan ni she (sosyal na kami ngayon) at oo, wa wakas napasama ko umakyat si she sa bundok :) maraming simangot at half-splits pero generally masaya naman sya... syempre't kasama ako!

Di naman kami naligaw sa drive papunta dun. Maganda't detalyado po ang instructions na nakuha namin sa website ng laluz (katabing sosi resort). Heto ang ilan sa mga kwento-kwento:
1. kaingin
Nung unang punta ko sa daguldol wala pa akong nakitang kaingin. Nung pangalawa meron nang isa (mainit-init pa)... pero ngayon nakakalungkot pero mga 5 kaingin yata ang nadaanan ko. Tatlo sa trail at dalawa sa peak.

Itong isa pa na to dating campsite. Yung nag-iisang puno dun sa taas, dun pa kami nag tent nung huling akyat namin.

2. water source
Wala ring lumalabas na tubig dun sa original water source kaya napilitan ako (kasama ang alalay kong si macmac) na gamitin ang ranger skills ko para makahanap ng tubig. 5 minutes later nakita namin to:

Madumi ang tubig pero necessity is the mother of inventions kaya nakagawa kami ng sarili naming water filter. Wala nang ultraviolet at reverse osmosis pero pwede na sa pangangailangan (pang-halo lang naman sa alak na iinumin eh kaya yung natirang mikrobyo mamatay na rin sa alkohol):
![]() | ![]() |
Lahat ng kasama nag-contribute sa imbensyon... yung funnel kay joyce, yung t-shirt kay macmac, yung sponge kay she, yung straw kay nica, etc. Lahat may contribution maliban na lang kay champoy na kung di mo pa pinilit eh hindi tutulong mag filter. Alaskado sya nung gabing yun pero alaskado naman kami nung kinabukasang kukuha sana ulit ng tubig eh nakita nya tong tubo na to dun din sa puddle na pinagkunan namin :p hehe:

3. hamog
Mahamog din sobra sa peak (sa gulugod baboy kami nag-setup ng tent) at napakalakas ng hangin. Higit limang oras din kaming naglakad kaya mga alas-sais na kami dumating sa campsite. Nung bumaba na ang araw, bumaba na rin ang hamog. Anlamig. Pero di din kami nakatagal kasi nababasa na yung mga jacket at kung anong kumot ang ipinan-talukbong namin. Kaya mga alas-9 tulog na kami :p
Hanggang nung umaga mahamog... kakatuwa.
![]() | ![]() |
4. At ilan pang mga view
![]() | |
![]() | ![]() |
And here's the rest of the pictures :) http://share.shutterfly.com/osi.jsp?i=EeKNGThu2bvtA