Wednesday, November 24, 2004

meningo at pulag

click mo!!

Nung isang araw namatay ang girlfriend ng bayaw ng kapatid ng ka-opisina ko dahil sa meningococcemia. Haay, kakatakot. Bata pa sya, early twenties at 5 years na sila nung boypren nya. Kahit pa siguro sabihin ng DOH na hindi sya epidemic proportions, kakatakot pa rin. Considering isa kada dalawang pasyente ang namamatay samantalang 12% lang ata sa sars. At mula nitong october lang 11 na ang nahawa. Eh mas potent pa ito kesa sa SARS. Di nga lang daw airborne kaya di naman kakalat nang kasimbilis ng SARS.

Pero kahit na... I would re-consider my trip to pulag... di naman mawawala ang pulag eh... tsaka magastos din naman, mas mabuti na sigurong gastusin ko na lang sa mas importante yung pera... or save ko na lang =)... tsaka buti na rin to makakasama ko pamilya ko sa christmas season.

Kaya yun, papaliban ko na muna siguro pulag... uy! hindi ako under ha.


4 comments:

macoy said...

at mabilis pa ah, after a 3-7 day gestation period you could be dead in a day. kaya siguro medyo naniguro yung pedia ni eiji at pina-confine siya. nalaman ko nga lang na may 'mini-epidemic' nung nakalabas na kami ng ospital.

well... condolences sa pulag plans mo... nanaman. iintayin ko nalang buhayin ulit. :) kelan kaya?

dyeproks said...

ganda naman ng pics. paano magpost ng pics sa blogger?

corky said...

ah, hmm medyo hassle nang konti... kelangan i-upload mo sa isang webhosting site ang picture mo. tapos aayusin mo yung html ng post mo sa blogger para mag-point dun sa image na yun. kung marunong kang html sisiw lang yan :)

macoy said...

kahit di ka marunong mag-html, kopyahinmo lang yung 'tag' na linya (sa photobucket) tapos i-paste mo sa mismong text (in 'edit html' mode ah)

dapat nga pala 400 pixels and below yung width nung pic, kundi magloloko yung formatting ng blog