Monday, December 20, 2004

tama na... sana.



Eto na talaga. Ginawa ko na lahat ng makakaya kong i-cram. Isang taong di nagawa... isang linggong pinilit tapusin. Tama na sana yung ginawa ko... nang pagkakitaan na ng bayantel tong sistemang ito. Tama na rin sana to... tigil na... nakakasawa na.

3 comments:

macoy said...

me comment na ba boss mo? okey na raw ba?

corky said...

unfortunately sumabet pa rin :p
Dec 13-20, pinilit kong i-cram lahat ng pwede kong ma-resolve sa mga prublema ng sistema.
Dec 21-23, hinintay kong matapus ng sistema gawin yung kelangan nyang gawin... para malaman ko kung gumana yung pinag-puyatan ko.
Dec 24-26, bakasyon syempre, takas muna sa problema.
Dec 27, naku po!... di nga gumana... haay.
Dec 28, pagod, discouraged, matapos ang isang linggong puyat, para sa wala (actually may na-resolve namang 6% and merong 11% na di pa sure kung palpak, yun nga lang 83% ang sure na di gumana)
Dec 29, ngayon, merong panibagong lakas... ulit, ewan ko ba kung san nanggagaling to... parang alam ko na ulit dapat kong gawin... at malamang gagawin ko yun hanggang mamaya... at malamang itatakbo ko ulit ang sistema sa bakasyon... at malamang sa isang taon ganun pa rin :(

nakakatawang alahanin, last year ko pa sinasabi sa boss kong kayang-kaya namin ito... matatapos ito next month. hehe.

macoy said...

well... at least naka- 6-17% ka sa loob ng isang linggo... ibig sabihin kung mapanatili mo yang ganyang pace, mga 3 buwan kaya nang tapusin. :)