
kastilang-kastila ang dating ng pagkakaayos ng tabaco dahil nasa gitnang-gitna ng bayan ang simbahan (kita yung kampanilya sa litrato sa taas) na halos katabi lang ng munisipyo. hindi pa lumalayo ang mga malalaking gusali sa gilid ng highway.

ito na yata ang pinakatahimik na uri ng transportasyon sa pilipinas : ang traysikad o sikad-sikad (ang ibig sabihin ng sikad ay sipa). mga ganito halos ang bumubuo ng trapik (at pasimuno ng trapik) sa bayan ng tabaco. sa sobrang tahimik nila ay muntik na akong mabangga dahil hindi ko narinig (palibhasa sanay sa ugong ng traysikel at dyip).
3 comments:
corks, pabago ng settings... last 3 posts lang ang lumilitaw, di ko makita yung huling mga litrato :)
tenks!
maraming magagandang lugar sa Tabaco City kung sana'y binigyan mo ng sapat na panahon para puntahan ang mga ito: tulad ng Mayon Skyline, Mayon Planetarium and Science Park, Dhio Endheka Spring Resort, Tabaco International Port, sa loob ng St. John the Baptist Parish Church, Simburio sa City Cemetery, San Miguel Marine Fishery Reserve para nakita mo na sa harap ng tahimik at payapang kapaligiran sa poblacion ng Tabaco City ay may mga nakatagong kagandahan sa mga barangay at isla nito
Post a Comment