Tuesday, August 23, 2005

Buhay Saudi - matrabaho pero matipid

Image hosted by Photobucket.com
Halos 2 buwan na rin ako dito sa riyadh. At nitong huling biyernes lang ako nagkaroon ng pahinga. Bago yun mahina ang 12 oras na trabaho. Average namin 15 hours. Walang petiks yan at puno pa ng pressure. Kahit pa nung namatay ang hari at nag-holiday ng tatlong araw and mga opisina trabaho pa rin.

Pero ngayon medyo nakakahinga na rin sa wakas :). Nagkaroon ako ng pagkakataon na mag jogging sa loob ng compound at kumuha ng ilang letrato. At ngayon kahit nasa opis ako, malakas loob ko sumulat dito :p. palibhasa naka-leave ang boss hehe.

Hindi naman pala kasing-sama ang riyadh gaya ng inisip ko. Wala nga lang libangan masyado. Walang sine, walang pasyalan, maraming bawal. Pero ang mabuti din, wala masyadong gastos. Yun na lang ang consuelo. At pagbalik ko may pandagdag ako sa pampatayo ng bahay :D

Isang buwan na lang pwede na akong umuwi sa pinas para mag-bakasyon. Excited na ako. Konti na lang... nakikita ko na ang dulo... parang pwede ko nang takbuhin.

4 comments:

Anonymous said...

run, corky, run! :)
(a la forrest gump)

kaya mo yan!

Anonymous said...

well, masasabi ko lang abused kayo. inaboso kayo ng employer ninyo. mantakin mo ba namang 15 hours ang trabaho. bawal yan sa labor law. mag demand kayo ng overtime.

Anonymous said...

nice shot...
though looking at it gives me a sad feeling...

Anonymous said...

Great chicken shit here. Keep it up. :)