Eto na talaga. Ginawa ko na lahat ng makakaya kong i-cram. Isang taong di nagawa... isang linggong pinilit tapusin. Tama na sana yung ginawa ko... nang pagkakitaan na ng bayantel tong sistemang ito. Tama na rin sana to... tigil na... nakakasawa na. |
Monday, December 20, 2004
tama na... sana.
Thursday, December 16, 2004
playtime

asawa ko't anak, nagtatakbuhan sa parke malapit sa amin. dapat me sunset lighting galing sa kanan (ganda sana nun) kaso me dumaan atang ulap. sayang.
Tuesday, December 14, 2004
break muna... *sigh*

"You've been working on that for the past year, what's so special this time around that makes you so confident you'll be able to pull-off in one week what you couldn't deliver in the past 12 months..."
"Well sir... ah... hmmm... i learned from the process... know so much more now than i did 12 months back... :D hehe"
Gulay, this project will be a 50 million peso training program if i don't deliver this by monday. So what am i doing wasting time on this blog... wala lang break muna!
Tuesday, December 07, 2004
Wednesday, November 24, 2004
meningo at pulag

Nung isang araw namatay ang girlfriend ng bayaw ng kapatid ng ka-opisina ko dahil sa meningococcemia. Haay, kakatakot. Bata pa sya, early twenties at 5 years na sila nung boypren nya. Kahit pa siguro sabihin ng DOH na hindi sya epidemic proportions, kakatakot pa rin. Considering isa kada dalawang pasyente ang namamatay samantalang 12% lang ata sa sars. At mula nitong october lang 11 na ang nahawa. Eh mas potent pa ito kesa sa SARS. Di nga lang daw airborne kaya di naman kakalat nang kasimbilis ng SARS.
Pero kahit na... I would re-consider my trip to pulag... di naman mawawala ang pulag eh... tsaka magastos din naman, mas mabuti na sigurong gastusin ko na lang sa mas importante yung pera... or save ko na lang =)... tsaka buti na rin to makakasama ko pamilya ko sa christmas season.
Kaya yun, papaliban ko na muna siguro pulag... uy! hindi ako under ha.
Friday, November 05, 2004
wish ko lang!
Eksayted ako sa december dahil nagyayaya yung mga mountaineer friends ni champoy -- utol ko -- na umakyat nang pulag :D Gulay, may iko-cross-out na ako sa listahan ko ng mga puputahan bago ako mamatay (lord, don't take this literally ha... yoko mamatay sa bundok na yun).
2,922m above sea level, highest peak in luzon, second highest in the country.
Sana matuloy! May gusto sumama?
Haay wish ko lang ako kumuha nito:
:D
2,922m above sea level, highest peak in luzon, second highest in the country.
Sana matuloy! May gusto sumama?
Haay wish ko lang ako kumuha nito:

:D

Wednesday, November 03, 2004
sunset ulit :p
Nitong huling summer, nagkaroon ako ng pagkakataon makagamit ng digital camera... kaya hala, kung ano-ano kinunan ko. Sa isang beach ito sa matabungkay nung nag outing kami ng mga ka-opisina. Habang sila nagluluto ng hapunan, ako nagsa-sight-seeing. watchatink?
Malaki pala ang exposure latitude ng mga kuha mula sa digital camera... meaning kung ia-adjust mo yung brightness, malaki yung range mula sa pinaka-maliwanag hanggang sa pinaka-madilim kung saan may detail pa ring makukuha sa image.
Sunday, October 24, 2004
sunset sa daguldol
Wednesday, October 06, 2004
Hellow!
Hi guys, astig pala tong blogger... pwede natin gawin yung sharing ng pictures na balak natin na walang kahirap-hirap.
Sa totoo lang, nung college pa talaga ako nagsimulang ma-interesado sa photography. Nainggit ako kina kuya bambi at perds nun dahil nakakuha sila ng elective sa photography. Kukuha nga din sana ako nun kung hindi lang dahil kay Dr. Vistro-Yu (dept head ng math nung 4th year tayo).
Ewan ko kung naaalala nyo yung kwento pero di ba nung first year eco-h ang course ko... tapos nag-shift ako sa math nung nakita kong di ko aabutin yung quota. Anyway, Psych 100 yung Nat-Sci na kinuha ko nun. Pero nung fourth year tayo saka lang sinabi na di pala credited yun sa math... kinailangan ko kumuha ulit ng nat-sci... in other words yung psych 100 na yun ang ipinalit sa 6-units sana na free elective. kainis.
Ito nga pala ang self-portrait ko :)

Subscribe to:
Posts (Atom)