Saturday, January 15, 2005

cure for horniness



Perds ito nga pala yung sinasabi kong nakakatawang gawang china :p
Breakthrough in artificial contraception. Sana mabasa nyo. hehe.

Click here for readable image.

Tuesday, January 04, 2005

some wedding





it's my turn... hehe joke lang. kasalan to nung kaibigan ng nanay ng kasintahan ko. niyaya ako para mag-drive. syempre pagkakataon maka-lakwatsa kaya payag naman. kinapalan ko lang mukha ko't naki-piktyur ako. feeling! mas marami pa ata akong picture kesa dun sa mga kamag-anak :p

mas gusto ko sana na may rays of light mula sa likod nung bride dun sa pangalawang picture sa taas... makapag-dala nga ng smoke machine sa sunod :)

Monday, January 03, 2005

Monday, December 20, 2004

tama na... sana.



Eto na talaga. Ginawa ko na lahat ng makakaya kong i-cram. Isang taong di nagawa... isang linggong pinilit tapusin. Tama na sana yung ginawa ko... nang pagkakitaan na ng bayantel tong sistemang ito. Tama na rin sana to... tigil na... nakakasawa na.

Thursday, December 16, 2004

playtime



asawa ko't anak, nagtatakbuhan sa parke malapit sa amin. dapat me sunset lighting galing sa kanan (ganda sana nun) kaso me dumaan atang ulap. sayang.

Tuesday, December 14, 2004

break muna... *sigh*


"You've been working on that for the past year, what's so special this time around that makes you so confident you'll be able to pull-off in one week what you couldn't deliver in the past 12 months..."

"Well sir... ah... hmmm... i learned from the process... know so much more now than i did 12 months back... :D hehe"

Gulay, this project will be a 50 million peso training program if i don't deliver this by monday. So what am i doing wasting time on this blog... wala lang break muna!




Tuesday, December 07, 2004

sadako



click mo!!

click mo!!

Ang kulet ng kapatid ko... sya nag-isip ng mga pose na yan ha!

DX7440


Hehe, last week bimuli na ako ng digital camera... well actually mas tama palang sabihing "umutang"... haay credit-card... mitsa ng buhay.

Wednesday, November 24, 2004

meningo at pulag

click mo!!

Nung isang araw namatay ang girlfriend ng bayaw ng kapatid ng ka-opisina ko dahil sa meningococcemia. Haay, kakatakot. Bata pa sya, early twenties at 5 years na sila nung boypren nya. Kahit pa siguro sabihin ng DOH na hindi sya epidemic proportions, kakatakot pa rin. Considering isa kada dalawang pasyente ang namamatay samantalang 12% lang ata sa sars. At mula nitong october lang 11 na ang nahawa. Eh mas potent pa ito kesa sa SARS. Di nga lang daw airborne kaya di naman kakalat nang kasimbilis ng SARS.

Pero kahit na... I would re-consider my trip to pulag... di naman mawawala ang pulag eh... tsaka magastos din naman, mas mabuti na sigurong gastusin ko na lang sa mas importante yung pera... or save ko na lang =)... tsaka buti na rin to makakasama ko pamilya ko sa christmas season.

Kaya yun, papaliban ko na muna siguro pulag... uy! hindi ako under ha.


Friday, November 05, 2004

wish ko lang!

Eksayted ako sa december dahil nagyayaya yung mga mountaineer friends ni champoy -- utol ko -- na umakyat nang pulag :D Gulay, may iko-cross-out na ako sa listahan ko ng mga puputahan bago ako mamatay (lord, don't take this literally ha... yoko mamatay sa bundok na yun).

2,922m above sea level, highest peak in luzon, second highest in the country.

Sana matuloy! May gusto sumama?

Haay wish ko lang ako kumuha nito:
click mo!!
:D
click mo!!