Tuesday, November 01, 2005

batis at puno

natuwa lang ako sa mga to :P


Monday, October 31, 2005

Pico de loro


Ang bilis lang ng 2 weeks. Nasa pinas ako nun Oct 5-18, daming plano, daming di nagawa. Di na ko nakapuntang senyo perds. Pero at least nakapamundok ako :P.

Nag night-trek kami at naligaw kaya ito hitsure ng campsite namin. Mga 20 degree slope din. Buti na lang may duyan kaya hindi masakit sa likod ang tulog :)


May falls din sa may baba. Kaya may pamatid nang pagod.

Tuesday, August 23, 2005

Buhay Saudi - Kingdom Center

Image hosted by Photobucket.com
Kingdom center nga pala... tallest structure in riyadh, located at the center of the city.

Buhay Saudi - matrabaho pero matipid

Image hosted by Photobucket.com
Halos 2 buwan na rin ako dito sa riyadh. At nitong huling biyernes lang ako nagkaroon ng pahinga. Bago yun mahina ang 12 oras na trabaho. Average namin 15 hours. Walang petiks yan at puno pa ng pressure. Kahit pa nung namatay ang hari at nag-holiday ng tatlong araw and mga opisina trabaho pa rin.

Pero ngayon medyo nakakahinga na rin sa wakas :). Nagkaroon ako ng pagkakataon na mag jogging sa loob ng compound at kumuha ng ilang letrato. At ngayon kahit nasa opis ako, malakas loob ko sumulat dito :p. palibhasa naka-leave ang boss hehe.

Hindi naman pala kasing-sama ang riyadh gaya ng inisip ko. Wala nga lang libangan masyado. Walang sine, walang pasyalan, maraming bawal. Pero ang mabuti din, wala masyadong gastos. Yun na lang ang consuelo. At pagbalik ko may pandagdag ako sa pampatayo ng bahay :D

Isang buwan na lang pwede na akong umuwi sa pinas para mag-bakasyon. Excited na ako. Konti na lang... nakikita ko na ang dulo... parang pwede ko nang takbuhin.

Wednesday, July 20, 2005

Buhay Saudi - inet

Image hosted by Photobucket.com

Pag-dating ng eroplano sa saudi sabi nung piloto 35 degrees daw sa labas. Nagtaka ako, eh alam ko 730pm na. Sumilip ako sa bintana, madilim naman na. Haay, welcome to saudi, ganun lang pala talaga ang init dito :p.

Hindi mukhang ganun kainit sa picture pero kung papansinin nyo walang tao sa labas. Parusa maglakad nang kahit 5 minuto pag tanghali hanggang hapon. Parang may nakatapat sa yong turbo broiler. Nasa 45-50 ang average temperature ngayon sa labas at minsan umabot pa rin daw ng 55. Kaya kahit patawid lang sa kabila ng kalsada papunta sa kainan nagtataxi kami. Para kang niluluto. Pero iba ang humidity kaya kahit mas mainit dito, di ka papawisan masyado (which means mas masarap ang pagkaluto sayo kung sakali, tender ang juicy sa loob :p).

Saturday, July 16, 2005

welcome to tabaco, albay

Image hosted by Photobucket.com

kastilang-kastila ang dating ng pagkakaayos ng tabaco dahil nasa gitnang-gitna ng bayan ang simbahan (kita yung kampanilya sa litrato sa taas) na halos katabi lang ng munisipyo. hindi pa lumalayo ang mga malalaking gusali sa gilid ng highway.

Image hosted by Photobucket.com

ito na yata ang pinakatahimik na uri ng transportasyon sa pilipinas : ang traysikad o sikad-sikad (ang ibig sabihin ng sikad ay sipa). mga ganito halos ang bumubuo ng trapik (at pasimuno ng trapik) sa bayan ng tabaco. sa sobrang tahimik nila ay muntik na akong mabangga dahil hindi ko narinig (palibhasa sanay sa ugong ng traysikel at dyip).
Image hosted by Photobucket.com

siempre di pwedeng di mag-shopping kahit konti. nanay ito at tita ni cherry. bumili sila ng mga bag at banig na abaca. yung isang tito ni cherry binigyan din ako ng alphombrang yari sa abaca--kumportable sila sa paa. sikat ang tabaco dahil sa uri ng bakal na ginagawa dito. kaya nga ang ibang matatanda, 'tabak' ang tawag sa itak.
Image hosted by Photobucket.com

sa palengke ng tabaco. hindi ko alam kung bakit malungkot ang dating sa akin ng kuhang ito. siguro dahil mukhang walang tao. me mamang nagtatrabaho dun sa sala set na kawayan pero nakaupo siya at kupya lang ang nakikita sa kanya. medyo tinititigan na nya ako ng masama kaya umalis na ako kaagad.
Image hosted by Photobucket.com

parang ang bagal ng daloy ng buhay sa tabaco. o isang ilusyon lang ba yon ng taga-syudad tungkol sa mga probinsya?

Image hosted by Photobucket.com

Tuesday, June 21, 2005

mcdo - love ko talaga 'to :p

Nasa india ako nitong nakaraang dalawang linggo. Unang beses ko maka-alis ng pinas at unang beses din na napalayo sa mahal sa buhay ng ganun katagal. Kaya syempre mahirap nung unang mga araw. Lalu pa't hindi pa naman ganun karami ang trabaho (na sya sanang distraction sa lungkot). Padagdag pa syempre na di ko alam yung lugar. Konti lang kakilala ko. At iba lasa ng mga pagkain dito... pero nag-iba lahat nung makita ko sya!

Sinama ako nung mga ka-opisina kong indian sa pinakamalapit na mall sa opisina at dun ko sya unang nakita. Ay, the familiar yellow arches and the big weloming smile of ronald McDonald. Nanlaki na agad mga mata ko nung makita ko sya, bumilis tibok na puso ko at tumulo laway sa bibig ko (hehe joke lang, nilunok ko naman agad bago pa umapaw). Pero nahiya naman akong ipagpilitan sa mga kasama ko na dun kumain. Baka isipin pa nilang napaka-jologs ko naman. Mcdo lang na-excite na. Sa food court nila gusto kumain. Ok lang, may ibang araw pa naman.

Kaya buti na lang kinabukasan sabi nila sa canteen sila kumain at malamang daw ayaw ko duon (tama sila yoko mamaho sa indian food :p) kaya pumunta na lang ako sa mall mag-isa.

Medyo iba sistema ng pag-pila sa counter. Iisang pila lang, pasikot-sikot parang sa isang ride sa perya. May isang usher sa dulo ng pila na syang nagsa-sabi kung aling counter ang dapat puntahan. Maraming indianized food sa menu gaya ng Chicken McAloo burger o ng veggie burger o ng chicken maharaja mac. Syempre dun ako sa pamilyar... McChicken sandwich with large fries and large coke :D

Parehong-pareho ang lasa. Para akong timang na nakangiti habang kumakain ng fries :p. Parang naalala ko tuloy yung college days/nights kung saan bibili tyo ng sandamakmak na fries para lang di naman nakakahiya na tatambay tayo dun hanggang alas-dose.

Parehong-pareho din ang lasa ng McChicken at syempre ng coke. Kaya nung oras na yun unang nawala ang lungkot at pagka-homesick ko. Pakiramdam ko nasa katipunan lang ako :p Salamat sa imperyalistang kano at ng globalisasyon :p



Yun ang isa sa mga high points sa stay ko sa india... ano ba masasabi ko, i'm not a hard person to please :D